Ang Laro ng Pating at ng Sapsap

Hindi natin nararapat na ayusin pa ang kinakalawang nating barko.

Bakit po?

image

Ang BRP Sierra Madre ay sinadyang isinadsad ng ating militar upang ito ay mabalahura o maging- “stranded” sa Ayungin Shoal na hindi nakalitaw sa dagat dahil ito ay “below sea level”. Ang barko ay nagtamo ng malaking butas sa ilalim at hindi na ito maaaring maglayag.

Ang pagkaka-balahura ng barko ay isang taktika na nagbibigay ng karapatan sa Pilipinas upang manatili doon at ipairal ng ating bansa ang legal na pagmamay-ari sa Ayungin at tuluyang angkinin ito.

Ayon sa pandaigdigang batas sa karagatan ay bawal itong galawin, hilahin, o sakyan man ng sinumang dayuhan sapagka’t anumang aksyon na katulad nito ay nangangahulugan ng kanilang paghamon ng giyera.

Alam din ng Wikipedia kung bakit ang USS Harnett County ay ibinalahura sa Ayungin Shoal noong 1999:

“After the Vietnam War, Harnett County was transferred to the Philippine Navy, which named her BRP Sierra Madre (LT-57). In 1999 the Philippine government deliberately had her run aground on Second Thomas Shoal in the Spratly Islands to serve as an outpost of the Philippine Marine Corps to assert Philippine sovereignty in the country’s dispute with China over the ownership of the Spratly Islands. She still serves that function.”

Sa nakaraang maraming taon, ang mga Pilipinong manunulat ay patuloy na isinasama ng Philippine Navy sa Spratly Islands nguni’t nasaan ang totoong balita? Bakit walang nakabuluhang pahayag sa telebisyon, sa radyo, sa dyaryo, o kahit na sa internet?

Bagama’t marami sa kanila ang may naisulat din naman ay wala namang sustansya ang kanilang mga pahayag. Hindi ba’t ang mga mumunting ampaw na balitang ito ang nagbibigay ng dumaraming katanungan sa isip ng publiko?

Nagtataka tuloy ang marami kung nabusalan na nga ba ang ating mga mamamahayag?

May isang taon na ang nakaraan nang unang mabasa ko ang isang link sa Facebook post ni Dr. Popoy De Vera, ang political analyst at propesor mula sa U.P., at akin pang pabirong naitanong sa kanya ang ilang bagay-bagay ukol dito dahil ang banta ng gulo noon ay malayo sa katotohanan, nguni’t ang aking pananaw ay mabilis na nagbago bunga ng maraming sumunod na pangyayaring naganap upang ang lahat ng mga ito’y labis nang ikabahala.

Matapos ang halos dalawang (2) taon na nabanggit, ang salaysay ng isang banyaga ang nananatiling pinakamalinaw na pagsasalarawan ng buhay sa Spratlys dahil WALA NAMANG SUMUSULAT NG MATINONG BALITA tungkol dito — si Jeff Himmelman ay sumampa sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal at nakitulog pa ng tatlong araw upang makapanayam niya ng masinsinan ang mga sundalo nating nagbabantay doon. Naglakbay din siya sa iba’t-ibang mga pulo ng Spratlys upang makita at marinig ang mga istorya ng mga Pilipinong nag-aalala ukol sa pag-aagawan ng teritoryo ng Pilipinas at ng Tsina upang kanyang maisulat ito noon pang 27 October 2013 para sa New York Times.

Ang kasaysayan sa mala-paraisong mga isla dito ay patuloy na uminog sa mga pagbabagong naganap: ang pagparada ng maraming barkong pandigma ng Tsina; ang pagtatayo ng mala-garrison na mga istruktura; ang tahasang pagpapakita at pagyayabang ng kanilang mga gamit pandigma; at ang ang pagtanggi ng Beijing na dumalo sa mga pag-uusap sa United Nations; lahat ng mga ito ay naglagay ngayon sa mga mala-paraisong isla dito sa isang kabagabagan dahil sa isang parating na pagsubok na malayong mas malakas pa sa kahit na anong unos na naranasan.

Bagama’t ang akda’y nakasulat sa wikang Ingles, batid naming mauunawaan din ito ng ating mga kababayang Pilipino. Pakibasa po ng buo ang artikulong ito kahit na may kahabaan upang masuri din natin ang pananaw ng isang dayuhan na nasanay nang makakita ng mga kahawig na sigalot sa ibang panig ng mundo.

A GAME OF SHARK AND MINNOW
(Ang Laro ng Pating at Sapsap)
http://www.nytimes.com/newsgraphics/2013/10/27/south-china-sea/
Ang mga magagandang larawan at video ay pag-aari ni Ashley Gilbertson

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s