Ang Lihim ng Hacienda Luisita

Pagtiyagaan lamang po nating basahin ito.

.
Marahil ay paulit-ulit na nating narinig itong makulay at kontrobersyal na kwento:

.
Kinupit diumano ni Gen.Antonio Luna ang malaking halaga ng yaman na naipon ng mga Katipunero upang sana ay maipangtustos para sa rebolusyon laban sa Espanya nguni’t ito’y kanyang kinulimbat upang ibigay sa kanyang nabuntis na kasintahang nagngangalang Ysidra na anak-anakan ni Don Pepe Cojuangco, at dahil sa tawag ng pagkakataon ay pinamahaginan na rin ang batang ina ng apilyidong Cojuangco. Kalaunan daw ay nagamit ang kayamanang ito ng mga lahing intsik upang sila’y magpayaman sa probinsiya ng Tarlac.

.
Ito’y atin nang narinig, inusisa, inurirat at pinagtalunan sa matagal na panahon… nguni’t ano pa ba ang ibang nakatagong #LihimNgHaciendaLuisita???

.
Nakalipas ang tatlumpu’t-isang taon mula nang naitaboy ang diktador na si Marcos ay bakit mayroon pang bulung-bulungan na hanggang ngayon ay may umiiral na batas militar sa dakong ito?

.

Hmm…

Tignan po natin kung totoo nga ang bali-balitang mayroong ganito sa loob ng kanilang mga bakuran.

.
Una sa lahat, narinig na po ba ninyo ang “#YellowArmy” ng mga Cojuangco? Guni-guni lamang kaya natin ito?

.
Marahil ay may nagsalaysay na sa atin na ang #CojuangcoYellowArmy ay ang pribadong hukbong sandatahan ng pamilya na nagsanay sa tulong mga israeli commando at silang lahat ay armado ng maliit nguni’t mapamuksang #UziMachinePistol na gawa rin ng Israel. Sa bawa’t kanto at sulok daw ng Hacienda Luisita ay nagbabantay ang magkapares o tigdalawang miyembro nito na may radio contact sa kanilang Command Center sa lahat ng oras.

.
Naibalita din sa media na BAWAL PUMASOK DITO KAHIT NA ANG PULIS AT MILITAR. Opo, noong naganap ang malagim na #HaciendaLuisitaMassacre ay lumipas pa ang tatlong (3) araw bago pinahintulutan nitong militar ng mga Cojuangco na pumasok ang mga pulis na imbestigador. Huh? Talagang ganun nga ba?

.
Agad kong tinanong ang tatay-tatayan kong naglalaro ng golf na hindi naniwala sa mga tsismis na ito at nang siya’y nagkataong nakapaglaro sa Luisita Golf Course ay minabuti niyang usisain ang kwento. Ang kanyang mga sumunod na salaysay ay totoo namang punung-puno ng galit at pagmumura.

.
Malamang ay marami sa ating nakakarinig ng ganito ay nag-aakalang kwentong-kutsero ang lahat kaya’t marapat lamang na tayo ay magpunta sa loob ng Hacienda upang tahasan nating masuri ang mga istorya, kaya’t bago tayo maglakbay papuntang Tarlac, ano po ba ang mga bagay-bagay na nararapat muna nating malaman?

.
Sa matagal na nakaraan, marami na tayong naging batas sa pagmamay-ari mga lupaing sakahan at ang pinakabago ay ang #BatasNgLupangAgraryo 6657 ay naisabatas noong Hunyo 10, 1988 matapos lagdaan ng walang-iba kundi si Pangulo noon na si Cory Aquino.

.
Ito ay malinaw nagtakda sa lahat ng mga may-ari ng mga bukirin na kung ang kanilang lupang sakahan ay higit sa pitong (7) ektarya ang sukat ay nararapat silang makipag-ugnayan sa #KagawaranNgLupaingAgraryo (Department of Agrarian Reform) upang isuko ang labis dito upang maipamahagi naman ang lupain sa mga nagsasakang walang sariling pag-aari. Ang #NatitirangPitongEktaryaLamang ang mananatili sa dating may-ari upang kanyang sakahin. Hindi pwersahang aagawin ng pamahalaan ang mga bukirin at inatasan ng batas na magbigay ang Pamahalaan ng karampatang bayad sa mga lupang isinuko.

.
Ang Hacienda Luisita ay may kabuoang 6,453 ektarya.

.
May malinaw po ba tayong ideya kung gaano kalawak ang lupaing ito na sumasaklaw sa pitong (7) barangay sa Lungsod ng Tarlac, dalawang (2) barangay ng Concepcion, at isang (1) barangay ng La Paz sa probinsya ng Tarlac?

.
Ikumpara po agad natin sa Lungsod ng Maynila sa Metro-Manila na nagmumula sa Luneta sa Kanluran at lagpas pa ng lugar ng Sampaloc sa Silangan, at mula naman sa paligid ng Tondo sa Hilaga ay sumasakop ito hanggang sa Malate at Sta.Ana sa Timugan. Ang Hacienda Luisita ay higit na malawak sa Lungsod ng Maynila sa sukat na 4,880 ektarya. Sa buong National Capital Region, ang Lungsod ng Quezon lamang ang mas malaki kaysa Hacienda Luisita.

.
#PagtanggiNgCojuangcoSaBatas

Maliban sa kanilang pagtutol sa nakaraang dalawampung taon na isuko ng lupain sa #DepartmentOfAgrarianReform, marami pong pagsasamantala ang kanilang ginawa.

.
Ang sikat na arkitektong si #RobertTrentJones na taga Inglatera sa Gran Britanya na nagdisenyo din ng mga pinaka-mamahaling golf courses sa buong mundo katulad ng #StAndrewsGolfCourse kung saan itinatatag ang #BritishOpen kada taon, ang kinuha ng mga Cojuangco upang itayo ang #LuisitaGolfCourse na kumain ng mahigit na 200 ektarya. Ibawas natin ang sukat ng lupaing ito sa dapat sana ay ipapamahagi sa mga nagsasaka dito.

.
Itinatag din ng mga Cojuangco ang #LuisitaIndustrialPark para pagtayuan ng mga dayuhang kumpanya ng kanilang mga pabrika. Ang #SanyoElectronics ang pinakamalaking locator dito. Ang lawak nitong 270 ektarya ay ibawas din natin sa kabuoan.

.
Mukhang napakaganda ang nangyari nang maitatag ng mga Cojuangco ng isang korporasyon na ayon sa mga dokumento na sinasaad ng pagbuo dito ay ang korporasyon ang mamamahala ng lupain, lalu na’t ang mga magsasaka ay may-ari din ng korporasyon. Sa wakas ay makakabahagi na din sa pakinabang ang mga magbubukid ng Hacienda!

.
Huh? hindi rin? Hindi po kasali ang mga magbubukid na may-ari din ng lupain sa Luisita. Bakit?

.
Ang bawat magbubukid na may-ari din ng korporasyon ay tumanggap ng dibidendo o parte ng kita na nagkakahalaga ng tumataginting na TATLUMPUNG PISO kada buwan.

.

Ang sumunod na naisipan din ng pamilyang Cojuangco ay ang magtayo ng mga mamahaling subdivision kaya’t nakipagkasundo sila sa #StaLuciaRealty upang maglagay ng limang (5) first-class na subdivision para lamang sa mayayaman sa paligid ng golf course. Kumain na naman ito ng higit sa 200 ektarya mula sa lupaing nakatoka na dapat ay maipapamahagi sa mga magsasaka.

.
Nang kami ay nakatakdang dumalo sa pagpapasinaya o “inauguration” ng limang “exclusive subdivisions” na ito, nagtanong kami:

.
Kakasya ba kaming lahat na mahigit sa 3,000 kataong binubuo ng 1,500 na ahente at broker at kasama ang kanya-kanyang 1,500 kliyente sa “Bahay Kubo” na nakatakdang pagdausan ng piging?

.
Natural na ninais naming matiyak ito at isaayos ang lahat para sa mga mayayamang nakatakdang bumili ng lupa sa subdivision lalu na’t “sit-down dinner” ang nakasaad sa mga pormal na imbitasyon. Sinabihan kami ng mga intsik na kahit na 5,000 tao pa ay kasyang kumain at mag-party doon! Hmm…

.
Naisip namin na #ItoNaAngPagkakataon upang #MagUsisaAtMatanong sa mga magsasaka.

.

Nang kami’y naglakbay na patungo doon, namangha kaming lahat sa ganda, sa lawak at sa kinis ng kanilang main avenue papasok sa Hacienda. May matatayog na mga pine trees magkabila at nagsasalubong ang mga sanga nito sa dakong itaas na nag-anyong mga arko… nguni’t teka muna… bakit maputik, baku-bako at parang lubluban ng kalabaw ang kabilang lane ng highway?

.
Nakakaawa ang nakita naming mga magsasaka na nagpupumilit itinawid ang kanilang mga kariton sa napakasamang kalye! Hiniling ko sa aking mga kasama na kami’y tumigil panandali at nagdahilang ji-jingle lamang muna sa tabi nguni’t ang aking totoong pakay ay ang makipag-usap sa mga magsasaka… Oppss.. Nagsilayo agad ang lahat ng mga magsasaka dahil may naka-bantay na #GuardiaCivil…

.
Bawal pala sa mga magbubukid na tumungtong sa napakagandang kalye na aming binagtas!

.
Sa paligid at sa bawa’t sulok ay may armadong kawal na naka-uniporme nguni’t hindi naman tunay na sundalo kundi ang kinakatakutang “Yellow Army”. Sa bawat kanto din ay may checkpoint at pinigil ang aming sasakyan upang usisain kami sa aming pakay. Ang bawa’t isa sa mga nagtanong ay matatas magsalita habang ang kasama niya ay nag-report sa kanilang radyo ng tungkol sa sasakyan namin, ang numero ng plaka, kung ilan kami, at iba pang bagay na hindi na namin naulinigan.

.
Kapansin-pansin din na ang kanilang daliring hintuturo ay nakadikit sa gatilyo ng hawak nilang Uzi sa lahat ng panahong kaharap kami.

.
Inisip kaya nilang kami ay mga terorista kung kaya’t kami ay banta sa seguridad ng Hacienda Luisita?

.
Matapos kaming makalagpas sa siguro’y mga isang dosenang checkpoint, hindi na pinayagang magpatuloy ang aming mga sasakyan. Sinabihan kaming pumarada na lamang sa kanilang malaking parking lot at sumakay na lamang sa kanilang naghihintay na #LuxuryAirconditionedCoaches.
Ha?

Bongga!

.
Sa mga nagpumilit na tumuloy lulan ng kanilang sari-sariling sasakyan, pati na yung mga kliyente na nagdala ng mga mamahaling kotse ay walang pinahintilutan. May ilang kliyente na napikon at tumanggi upang umuwi na lamang.

..
Opo, ganito ang ipinaiiral sa Hacienda kaya’t ipagpatuloy po natin ang aking paglalahad.

.
Wow! Totoo namang napakalaki ang #BahayKubo na napapaligiran ng mga tennis courts at iba’t-iba pang sports facilities.

.
Nagpamalas sa amin ng isang mahabang programa na parang “television variety show hosted by no less than #MickeyCojuangco”… Teka, napa-English po ako dahil sa wikang ito nagsalita ang ating artista… At biglang tumahimik ang lahat at tumugtog ang mga drums… Drumroll po…

.
Mga ika-6 ng gabi noon at kumagat na ang dilim kaya’t ang malakas na spotlight ay tumutok sa isang sasakyang dumating. Lumabas dito ang reyna… este, si #TingtingCojuangco na inalalayan agad ng kanyang security escort.

.
Madilim na nga at wala nang araw noon at wala din namang kahit na kauntinh ambon man lamang nguni’t biglang lumabas ang isang makulay na payong Muslim kumpleto sa mga nakasabit na palamuting borloloy at pinayungan ang reyna. 🙂

.
Agad ding binuhat at inilagay ang baon-baon niyang upuan na mukhang isang magarang trono at ang reynang si Tingting ay lumuklok sa kanyang trono upang nanood sa kanyang hija na nagpatuloy ng pagtatanghal na tinampukan ni Jay Cayuca sa violin, sumayaw ang Adrenaline Dancers, at umawit ang ilang recording artists…

.

Buhay pa noon si Cory Aquino nguni’t wala silang dalawa ni Kristeta kaya’t naitanong ko sa aking sarili kung sayang na wala akong masasaksihang kababalaghan… 🙂

.
Nang kami’y nagsimulang kumain ng aming hapunan, nagtaka kami ng lubos dahil sa kabila ng kanilang nag-uumapaw na kayamanan ay sobrang palpak ang mga putahe at siguradong mas masarap pa ang ulam na galing sa carinderia ni Aling Toyang sa kanto. Napansin naming magkakasama na hindi kumain si Mickey at si Tingting. Okay. Ganun pala.

.
Kamakailan ay lumabas sa balita ang #OccupyLuisita nang lusubin ng mga magsasaka at wasakin ang pader ng diumano ay gusali na pagaari ng mga Cojuangco. Ang mainstream media ay sobrang inutil na hindi man lamang nag-usisa sa katotohanan sapagka’t ang gusali ay pagmamay-ari ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC).

.
Aha! Bakit nasangkot ang isang pribadong bangko sa sigalot ng lupang agraryo? May plano bang magtanim ang mga kawani ng RCBC?j

.
Ayun, naipagbili pala ng ng mga Cojuangco sa RCBC ang 200 ektarya sa loob ng Hacienda Luisita na labag sa batas dahil ito ay nararapat na ipamahagi sa mga magsasaka. Teka muna, may pahintulot ba ang DAR sa land conversion? May nalagyan ba sa kanila?

.
Ang may-ari ng RCBC ay ang pamilyang intsik na Yuchengco na pinamumunuan ni Vivian Yuchengco at nagsimula ang negosasyon noong panahon ni Pangulong Gloria Arroyo.

.
Teka muna, hindi ba’t itong Vivian Yuchengco rin yung nabanggit na “golf partner” at kalaguyo daw ni First Gentleman Mike Arroyo? Hmm…

.
At bakit nakalusot sa DAR itong LAND CONVERSION kahit na bawal ito sa batas?
Ah kaya naman pala. Natapos daw ang transaksyon noong #PanguloPaSiPanotsky…

.
Marami pang ibang kababalaghan ang ginawa ng mga oligarch na Cojuangco dahil sa kabuoang 6,453 ektarya ng Hacienda Luisita, 4,099 ektarya na lamang ang naiwan ngayon upang paghati-hatian ng mahigit na 6,000 magsasaka.

.
Bakit naging 6,000 samantalang ang #OfficialCensus na ginawa ng DAR ng tatlong beses ay di hamak na mas mababa dito?

.
Ayun pala! Maraming pangalan ang naidagdag sa orihinal na listahan kaya’t mariing tinututulan ito ng mga magsasaka. Sa maraming taon nilang pagbabanat ng buto sa bukid ay ni hindi man lamang nila nakita ang kahit na anino ng mga tao na idinagdag dito. May umugong na balitang ang mga Cojuangco din ang nagdagdag ng mga pangalan at ang mga taong ito ay mistulang multo lamang hanggang ngayon.

.
Mukhang ito ring inimbentong grupo ang naunanang nabahaginan ng 200 ektarya na sa misteryosong paraan ay ang pinagbilhan ng RCBC.

.
#GanyanKungPaanoMakapangdaya ang mga #BastosNaCojuangco.
#DaangMatuwadParaSaGanid

#MagnanakawDinSiMarcos pero hindi ganyan kagarapal.

🙂

Ngayo’y patuloy na tinututulan pa rin ng #FamiliaCojuangco ang pamamahagi at sa napakatagal na panahon ay nasa korte pa rin ang kaso nguni’t #NawayMaremedyuhanNiPRRD

🙂 
Thank you TAGA-ILOG-NEWS-BLOG

http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/08/hacienda-luisita.html?m=1 

🙂 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s